Monday, August 1, 2011

Aiwaaa! Ramadan na pala!



Ramadan na naman....
pero this time medyo maaga ang pagaayuno ng mga kapatid nating mga muslim...
ngayong araw na ito....nabago rin ang mga oras sa pagpasok sa opisina,
oras ng pagbukas ng mga restoran, cafeteria, turo turo, jueteng, pasa load, atbp...
less din ang traffic sa umaga, pati ang ihip ng hangin ay nag-iiba...masyadong mainit...
pag Ramadan dito sa middle east...ang lahat nag-iiba!

yung pagtulog mo sa gabi at syesta, bago na rin ang oras  pagsundo ko kay misis ....
at ito ang pinaka...ang oras ng pagtsibog mo sa opisina at sa labas ng bahay...oo nga...!

bawal kumaiiinnn!
hindi ka pwedeng kumain sa work station mo...hindi ka pwedeng ngumuya ng tsiklet,
hindi ka pwedeng mag-ingay (bulong bulong lang), di ka pwedeng mag view ng sexy sa internet,
bawal din ang yosi, bawal ang maikli at revealing ang suot, bawal ang mag kiss, bawal ang mainit
ang ulo, bawal tumawa, bawal ang pangit, bawal ang sugal (patay ang sabong...) ang daming bawal!

at kung di ka na maka-tiis...pumunta ka sa toilet at dun ka kumain at dahan dahan lang ang
pag nguya at baka marinig ka ng mutawa (moslem police) at tiyak na huli ka, si jack nga (bayaw
ng bayaw ko)...hilong talilong na siya sa gutom ng bumili siya ng masafi (mineral water sa dubai)
at ng kanya na itong iinumin....napatingin siya sa katabi niya at ang sabi ay...."haram my friend,
no drink, no eat....ramadan" kaya ang kawawang jack ay naghanap na lang cr at duon lumaklak ng
masafi...

patotoo...totoo nga!
eto pa...dumating ako dito sa dubai noon ay ramadan (di ko alam ito...at wala namang nagsabi)
ala una ng hapon ng bumababa kami ng bldg....lungkot na lungkot ako noon (homesick ba)
at ang tingin ko sa buong kapaligiran ng dubai ay disyerto, nangingilid ang luha ko noon habang
iniisip ang mga mahal sa buhay....inangat ko ang aking kamay at dumukot sa kanang bulsa ng isang
yosi...itnayo ko ito (filter ay sa ilalim) at itinaktak ko ng 3 beses sa kaliwang hinlalaki ng aking
kaliwang kamay at sabay subo sa tuyo kong mga labi gamit ang kanang kamay, samantalang ang
kaliwang kamay naman ay dumukot uli ng lighter....at sa aktong sisindihan ko na ito habang
naniningkit ang mata ko dahil sa init ng apoy na papalapit sa yosi...kitang kita ko si allan na may
3 metro ang layo (slow motion effect)....huwaaaggg....ramaadaaannn...puliiissss katabi mooo!!!

....hindi po ako nakulong! pinagbawalan po ako mag yosi at nasa tapat pa ako ng mosque...
haaayyyzzz...buti na lang maagap si allan!

kanina...malas din!
alas 10 ng umaga pagkatapos kong mag hatid kay misis....diretso ako ng Dubai Mall
dahil isang higop lang ng kape ang agahan ko kaya gutom na gutom akong
nagmamadali'tsabik na kumain ng mcdo breakfast.....
anak ng pusa!...patay ang ilaw ni ronald, wala pa ring tinapay ang subway,
tulog pa ang manok sa kfc at ang mga hapong turista lang ang maririnig mong nakikipag away
sa security ng The Top (ito po yung aakyat ka sa pinakamataas na building sa buong mundo)
dahil hindi pa sila pinapapasok.....

anak ng pusa talaga! ramadan na pala ngayon!