Monday, July 25, 2011

"pinoy kami..." (tapos may smiling face)


25 July 2011. Financial Center Station to Dubai Internet city Station, Dubai.


TRIP KO SA METRO!


bago ako sumakay:
parking problem, mainit, malayo, mataas, mahaba,lamig aircon,
juice bar, atm, sekyu, police, kargahan ng nol card,
ibang lahi, pila, trip story board, banners, award,
pulis ulit, libreng dyaryo, babaing naka itim, lalaking
naka abito, mabangong kubeta, mabahong pana (amoy paa),
nagpaalam sa pulis, nagkodak ako, maraming pitik,
matarik na eskaleytor, kakalulang hagdan, mataas na kisame,
pader na metal, alingawngaw ng ispiker,nakakasilaw na araw,
lalaking nagbabasa, lalaking matangkad, arabong nagkokodakan,
robot na tren.


sa loob ng tren:
huling parte ng platform, otomatik na pinto,nice smell, 
nakita ko si ares (di ko pinansin), upuang asul, bakanteng
upuan, sumara pinto, smooth na takbo

si kabayan sa tren ay: 
natutulog, magjowang tulog dikit ulo, nagsasounds, 
nagce-cellphone, malungkot, tsumi-chika, tulo laway,
tumitirik ang mata, ngumingiti, nagkodak gamit ang cp,
tingin sa relo, nakabukaka kita langit, nakatayong walang hawak,
nagte-text, may kasamang ibang lahi (jowa),nagbabasa ng kabayan
weekly, nagkakamot, bumababa na si ares


sa pagbaba ng tren:
pila ulit, lift (elevator), hagdanang mataas, pulis ulit,
sekyu ulit,mga tindahan, mahaba, malayo.


sumatutal:
mabilis, maginhawa, kaka-aliw, mura, mabaho minsan, masaya ako!


pahabol:
ilan sa aking kinodak ay itong trip story board! (larawan sa itaas)
sa unang tingin ay parang mga ibang lahi lang ang mga
may karapatan na sumulat dito...pero ng inilagay ko na 
ang mga litrato sa computer...nakita ko na dokumentado rin
si kabayan...ilan dito ay:


"sumakay kami ng anak ko sa metro at
mas na thrill siya dito kaysa sa gaming center -juan"


"pinoy kami..." (tapos may smiling face)


"a ycf chp 1 member was here, dxb metro is amazing"(tapos may smiling face din)


"full circle.." (nilagyan ko din ng smiley...hehehehe)

larawang umiikot na gawa ng aking kaibigang Darwin Grafil:

No comments:

Post a Comment