Thursday, July 28, 2011

TELEPONO sa SATWA


TELEPONO SA SATWA
©fullcircle 28 jul 2011


Kanina nasa Satwa ako...nag park ako sa harap ng Al Maya Supermarket...
Isa sa nakapukaw sa akin ay yung telephone booth ng Etisalat...


Naabutan ko doon ang isang kabayan na nagyo-yosi na nagkukubli sa 
sikat ng araw katabi ang phone booth, maya maya pa'y pinatay nya
ang yosi sa ledge ng booth...hehehe...astig si kabayan.


Nag stay pa ako ng konti...after a few minutes...may isang kabayan
at isang indian na ang akala ko ay tatawag sa phone...sabay silang 
naglabas ng papel at scotch tape at pagka tapos ay dinikitan ang
kawawang phone booth...habang nag-uusap na sa wari ko'y nagya-yabangan...

Ilang sandali rin panay ang sulyap ng mga street walkers sa tila
naka gift wrap ng ads na phone booth....merong humito at matagal siyang
paikot-ikot sa booth at iiling-iling at tatango-tango...sa tingin
ko naghahanap ito ng bedspace...
_______________
"sa inyong kaalaman...may 6 na phone booth sa al hudaiba st., satwa.
ang isa rito ay kabilaan at ang isa naman ay brand new  (green color)"
______________


Dati rati ang telepono ng etisalat ay ginagamit natin to call somebody...
personally...nung bago ako sa Dubai...ginagamit ko ito halos oras-oras sa pagtawag sa pinas using etisalat card...(may design iyon at makapal ang plastic)...


ginagamit ko din itong landmark...kung may nagtanong sa akin
kung saan ako nakatira, ito agad ang sinasabi ko "sa tapat lang ako 
ng phone booth"...


tambayan din namin ito habang naghihintay kami ng off-peak para maka-
tawag sa pinas lalo na't pasko at bagong taon...


sa pag-istambay dito...marami akong na witness sa phone booth...


- madalas dito yung mga ngiti ng mga callers, tumitirik ang mga mata
habang nakikipag-usap 


- tulo ng luha at minsan ngawaaaaa dahil sa problemang di madamayan sa pilipinas


- minsan naman ay may nag tumbling sa tuwa nang malaman niyang Hired na siya
- away! nakikipag sigawan sa telepono at kadalasan pinupokpok ang kawawang
telepono at walang awang iniiwang naka hang ito....haayzzz


- ang isa pang exciting ay yung bumubulong...ayaw iparinig ang usapan...
halos lunokin ang telepono mai-secret lang ang call hahahaha!


- at ang pinaka da BEST ay ang love story nila Danny at Eloisa...(sa part 2 na ito)


itutuloy...


pahabol....pagpasensyahan na itong 360° image ko...
wala pa kasi akong 360° image sa al hudaiba st. eh!

No comments:

Post a Comment